Pagkatapos ng almusal, isang pabungad na
balita tungkol sa paggamit ng wikang Ingles sa UST. Magsisimula na raw doon yung "English Proficiency Campaign" at ito ay sinalubong ng protesta mula sa mga mag-aaral, lalong lalo na sa Arts and Letters Student Council (ABSC).
Ayon sa ABSC:
“Maganda ang maging mahusay sa pagsasalita gamit ang wikang banyaga. Ang hindi tama ay ang pagiging mahusay na sa paggamit ng wikang banyaga habang hindi pa mahusay sa paggamit ng sariling wika, at kapag sinabing mahusay, ang ibig sabihin nito ay nagagawa na ng mga Pilipinong mag-aaral ng Pakultad ng Sining at Panitik na gamitin ang wikang Filipino sa intelektuwal na pamamaraan sa pagsulat, at sa kahit na anong diskurso o pakikipagtalastasan.”
Hmmm, paano na kaya kapag nagsimula na rin yung
pagtuturo muli ng wikang Espanyol sa mga paaralan? Pasang-awa ang lahat ng grado ko sa Spanish, kumukopya lang ako ng sagot sa mga kabarkada ko tuwing may test. Sa tingin ko ganito rin ang kararatnan ng karamihan ng mag-aaral ngayon. Eh higit na mas nakakalibang ang wika ng Jejemon at Bekimon keysa sa tener, tengo, tenemos, chuva-chenes chever!
Siguradong nagka-tumba-tumbalelong si Gat. Jose Rizal ngayon sa kanyang libingan dahil sa mga balitang ito. Siya na rin ang nagsabing "ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa kanyang paroroonan." Talagang nasa DNA na natin ang pagkakaroon ng "short-term memory".