First time ko sa Sinulog Festival sa Cebu. Bitin nga lang, kasi my partner and I had to go back home on the 21st. Sayang, street dancing Mardi Gras pa naman yun! Nevertheless, masaya rin sa dagat mag piyesta! Ito kasi yung ililipat sa kabilang isla (Mactan to Cebu yata...) yung centuries-old na Sto. Nino icon.
Aba 5am pa lang ng umaga eh we were already wading through a low tide to get on a tiny boat to bring us to a 16 seater outrigger boat. It was still dark and thanks to one beam of light from a friend's flashlight, we were able to see what we were stepping on... squishy seaweeds and sand! The water was not cold but quite warm so ok lang.
Masaya talaga, may mga brass bands na tumutugtog at maraming nagsasayaw at mga naka-costume pa ang iba! May mga maliliit na bangka, mga yate, outrigger, coast guard na umaaligid, jet skiers at may isa pang maliit na eroplano na panay ang mala-Pearl Harbor na dive tapos nag sasabog ito ng flower petals na dapat bumagsak sa barko na sinasakyan ng Sto. Nino icon. Maraming nanoonood sa pamapang, tulay, harbor at mga barko. Sabay-sabay na nag-TOOOOOT, TOOOOOOT ang mga malalaking barko bilang salubong nila sa Sto. Nino, ito lahat plus fireworks and fire crackers!
No comments:
Post a Comment