Tuesday, October 23, 2007

mini muni-muni episodes

ito ang nangyayari kapag wala akong magawa sa opisina, mini muni-muni episodes...

When I go on business trips at kasama ko bossing namin, eh talaga namang nakakahiya po sa front desk, kapag ini-aabot na sa bossing ko ang ilang sheets ng faxes para sa kanya na halos lahat ay e-mail naman! Ito kasing bossing ko hindi gumagamit ng PC pero may e-mai account siya, o di ba ang galing?

Kaya tuwing wala siya sa opisina, eh kelangan naming i-fax sa kanya ang lahat ng emails nya for that day. Sa totoo lang kahit nasa opisina sya, eh kelangan naming i-print yung e-mail nya para mabasa nya! hahahaha! heto, ang sanhi ng pagkakalbo ng mga bundok natin!

Tapos pag may email syang gustong i-circulate, photo-copy nya ito at sabay abot sa amin.
mahal na mahal nya ang copier namin. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya na pwede naman itong ikalat via e-mail na lang para tipid sa toner at papel dahil lagi rin itong bossing ko na nag sasabi na kelangan daw namin mag observe ng cost cutting measures.

Di raw, mas mabuti na yung may hard copy. Sows, roll up to da sky ang mga mata ni Anghelina!




No comments: