Wednesday, August 18, 2010

HOYYSSSTTTT... pa-alala lang, ang Agosto ay Buwan ng Wika!

Huwaw, 3 blog posts sa araw na ito at 11:30 am pa lang!

Mula kay sa "This is a Crazy Planets" ni Lourd de Veyra, "galangin niyo naman nang konti ang wikang bumubuhay sa inyo"... oo nga naman, kahit konti man lamang. Eh bakit nga ba? Dahil daw ang mga taga-media mismo ang kumakandidato sa hindi wastong pag-gamit ng wikang Tagalog. 

Ayon kay Lourd:

KAGANAPAN - Kasalanan daw 'to ni Joe Taruc at ng mga taga-DZRH. Ginagamit nila ang "kaganapan" kung ang ibig sabihin ay "pangyayari" o kaya, nagaganap. I.e. "At 'yan ang mga kaganapan dito sa drug bust sa Republiq." "Balikan po natin ang mga kaganapan diyan sa hearing ng hiwalayang Kris at James." Ang tamang kahulugan ng kaganapan ay fullness, fulfillment, o pagkakumpleto. "Kaganapan ng kanyang pagkababae ang pagbubuntis."
 

ASPETO - "Salitang siyokoy" ang tawag dito ni Almario, dahil hindi siya Kastila, hindi rin Tagalog. Diyosko, laging ginagamit 'to ng mga komentarista.  Hinding-hindi mo makikita ang salitang "aspeto" sa kahit anong diksyonaryong Tagalog. May "aspecto" sa EspaƱol; sa Ingles naman, "aspect." Paano ba nauso ang "aspeto?" Kasi daw, dahil merong "respeto," "obheto," "suheto," sa Kastila, kala ng marami, lusot na ang "aspeto." Isampal man sa mataba mong mukha ang page 62 ng New Vicassan's Dictionary eh wala ka pa ring makikitang "aspeto." Sabi ni Almario, Ang tama: "aspekto." Tandaan! Amen? Amen.

Ikumpara natin ang ating kalagayan sa mga taga-Brazil, na para sa kanila, ang hindi wastong pagsasalita ng wikang Portuges ay isang palatandaan ng kakulangan ng pinag-aralan. Kaya nag-tatag ang kanilang pamahalaan ng mga "hotline" na kung saan dito ma-aaring makakakuha ng wastong impormasyon tungkol sa kanilang wika. Tayong mga Pinoy naman, pinagtatawan natin si Erap (atbp) dahil hindi sya marunong mag-Ingles at Tagalog lamang ang kanyang alam na wika.  

Ang kabuuan po ng "This is a Crazy Planets" ay nakuha ko dito.
Yung balita naman tungkol sa mga taga-Brazil, dito

May bagong silang... may bagong PISO!

Sa mga ka-edad kong tanderkats... na-aalala pa ba ninyo ito at ang "Bagong Lipunan" Piso?

Bagong Lipunan
May bagong silang, may bago nang buhay,
Bagong bansa, bagong galaw,
Sa Bagong Lipunan!
Magbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad,
At ating itanghal, Bagong lipunan! 
- Felipe Padilla De Leon, 1974



Ayon sa balita, magbabago raw ang lahat ng pera ng Pilipinas, ngayong Disyembre. Ngunit ang nakapagtataka raw ay bakit sinisikreto ng Bangko Sentral ang isang napaka-laking pagbabago na ito?

Isang kasagutan ng BSP ay para daw maiwasan ang pag-counterfeit ng ating Piso... BWAHAHAHA! Potah, eh sinong sira-ulo ang gagawa nito?

Basahin ang buong balita ditowz PoH. jejejeje....

"ang hindi magmahal sa sariling wika..."

Pagkatapos ng almusal, isang pabungad na balita tungkol sa paggamit ng wikang Ingles sa UST. Magsisimula na raw doon yung "English Proficiency Campaign" at ito ay sinalubong ng protesta mula sa mga mag-aaral, lalong lalo na sa Arts and Letters Student Council (ABSC).

Ayon sa ABSC:
“Maganda ang maging mahusay sa pagsasalita gamit ang wikang banyaga. Ang hindi tama ay ang pagiging mahusay na sa paggamit ng wikang banyaga habang hindi pa mahusay sa paggamit ng sariling wika, at kapag sinabing mahusay, ang ibig sabihin nito ay nagagawa na ng mga Pilipinong mag-aaral ng Pakultad ng Sining at Panitik na gamitin ang wikang Filipino sa intelektuwal na pamamaraan sa pagsulat, at sa kahit na anong diskurso o pakikipagtalastasan.”

Hmmm, paano na kaya kapag nagsimula na rin yung pagtuturo muli ng wikang Espanyol sa mga paaralan? Pasang-awa ang lahat ng grado ko sa Spanish, kumukopya lang ako ng sagot sa mga kabarkada ko tuwing may test. Sa tingin ko ganito rin ang kararatnan ng karamihan ng mag-aaral ngayon. Eh higit na mas nakakalibang ang wika ng Jejemon at Bekimon keysa sa tener, tengo, tenemos, chuva-chenes chever!

Siguradong nagka-tumba-tumbalelong si Gat. Jose Rizal ngayon sa kanyang libingan dahil sa mga balitang ito. Siya na rin ang nagsabing "ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa kanyang paroroonan." Talagang nasa DNA na natin ang pagkakaroon ng "short-term memory".

Friday, August 06, 2010

kahit papaano...

Ibinagsak ng Estados Unidos  ang kauna-unahang atomic bomb sa Hiroshima noong August 6, 1945, at pagkatapos ng tatlong araw, noong August 9 sa Nagasaki naman.

Kung may pagkakataon kayong makabisita sa Hiroshima Peace Memorial Museum, siguradong ma-aantig ang inyong damdamin at lalong lalawak ang inyong pananaw sa mga pangyayaring ito. Doon ko nakita ang mga anino ng mga biktima na naka-imprint sa pader o sa konkretong hagdan. Isipin na lang natin kung paano nangyari iyon at kung ano ang nangyari sa mismong biktima.

Ngayong taon na ito, kahit papaano, dumalo ang mga gov't representatives ng US at UK sa 2010 Peace Ceremony sa Hiroshima. Kahit kailan kasi hindi ito nangyari, ngayon lang. Kahit papaano, may pag-asa pa talaga na unti-unting tuluyang mawala ang lahat ng nuclear arms sa buong mundo. Sa init na ito, marami ang dumalo at tumayo sa ilalim ng araw, mga anino nila magkakatabi at sama-sama para sa kapayapaan ng buong mundo.

Thursday, August 05, 2010

napurnada ang suicide ko

Nakaka-inis naman, kung kelan kong feel na mag-suicide as in, "NOW NA!", napurnada pa!




























I guess I have to live another day...

Wednesday, August 04, 2010

Sayaw tayo!

Nabasa ko sa Guardian ang tungkol sa nakaka-indak na tugtugin na galing sa South Africa, ang Shangaan electro.
Sa sobrang aliw ko, bumili na ako ng CD, sarap patugtugin ito sa umaga...


Thursday, July 22, 2010

jirap na jirap na akels...

Bumisita ako sa isang Kabayang blogger, at doon sa kanyang na-kakaleew na blog (as always) natagpuan ko ang isang link na kung saan ko natagpuan ang BEKIMON!




KALURKEY!!!!!


en naw, da nyus...




Salamat BatJay at Ate Sienna... at kay BEKIMON!

it's all over now... til 2014, Brazil!



Parang gusto kong kumain ng tako-sashimi...

Pero sasabayan ko na rin ito ng senti-mode... la lang, isang buwan at mahigit na rin simula nung di-nelete ko yung Facebook account ko, pero ayon sa Facebook, "deactivated" lang ang account ko. Oh tuksooooh! Claire, siterrr, nasaan kah! Ang bato, Claire... ang batooooh!
  Sa totoo lang, miss na miss ko na ang aking mga Katuhogs (my HS friends and barkada) and my friends en family sa Facebook...

Saturday, July 03, 2010

GOAAAAAAALLLL!

Heto nanaman tayo, after 2006 Germany! Iyak ako nang matalo ang Japan via penalty shoot-out. Heart-breaking, indeed. Bago sila maka-abot sa best 16, lahat ng matches nila up to the World Cup matches, either draw or talo sila! Then Japan beat Cameroon and Denmark to reach the best 16 for the first time!

Kaya heto kami, tulog mode from 9pm, gising at 3am the next day for the Japan vs Paraguay match. It was a heartbreaker, pero kudos sa Samurai Blue, hanep... ang LAYO ng narating nila for an Asian team! (same goes for North and South Korea!)

Tapos na ang NED vs BRA match ngayon... nanalo ang NED, 2-1. Sana magkaroon ng interes ang Pinas sa football, kasi sa tingin ko wala tayong pag-asa sa basketball, talaga. Ilusyon at porma lang ang lahat.

Bukod dito, I also support women's softball, sa tingin ko malaki ang chance natin na manalo tayo sa international matches.

O sya, Uruguay vs Ghana naman mam'ya... sa'an kayo... ako, GHANA!

Tuesday, March 16, 2010

Artist Trading Cards - Philippines (Pinoy ATC)


Ever heard of an ATC (artist trading card)? I've been fascinated by this one since I stumbled upon the website ages ago.
The Pinoy ATC is something I thought of while immersed in Facebook. Bakit nga ba hindi?! So I asked Babeth Lolarga if she's interested to trade and we did our first swap via post!
Big thanks to Babeth for her interest to trade and for initiating the first ATC swap meet in Baguio! 
I've just put this group up in Facebook, it's still exclusive and by invitation only. If you want to join and trade, please leave your email address or email me. I still have to ask the current members if they would like to make the group public.

Antabayanan po lamang!

※ Sali na... public na yung group!

Wednesday, February 24, 2010

strange but true! Everyone's kili-kili has a different smell, BUT I CAN'T SMELL MINE!

My niece joined a group at Facebook called, "Everyone's house has a different smell, BUT I CAN'T SMELL MINE!" and I thought... hmmm WHY NOT KILI-KILI?!

Nilapastangan ko ang original page.... isang bahay ang nasa larawan ng original, ngayon, isang ma-masa masang kilikili ang bubungad sa inyo... mamase-mamasa-maku-makusah!

Apologies to the original page. Someone raised her hand to volunteer for this money shot. Thank you whoever you are.

Tuesday, January 19, 2010

2010 01

It's been weeks since I saw this. One early sunny morning on my way to the train station, at the traffic stop, there was a classic Mini, British racing green with white stripes on both sides of the bonnet, and in it were 2 women, happily chatting, looking lovely in their kimono! Were they just coming home from an all-nighter or on their way to a very early appointment?