Wednesday, August 18, 2010

HOYYSSSTTTT... pa-alala lang, ang Agosto ay Buwan ng Wika!

Huwaw, 3 blog posts sa araw na ito at 11:30 am pa lang!

Mula kay sa "This is a Crazy Planets" ni Lourd de Veyra, "galangin niyo naman nang konti ang wikang bumubuhay sa inyo"... oo nga naman, kahit konti man lamang. Eh bakit nga ba? Dahil daw ang mga taga-media mismo ang kumakandidato sa hindi wastong pag-gamit ng wikang Tagalog. 

Ayon kay Lourd:

KAGANAPAN - Kasalanan daw 'to ni Joe Taruc at ng mga taga-DZRH. Ginagamit nila ang "kaganapan" kung ang ibig sabihin ay "pangyayari" o kaya, nagaganap. I.e. "At 'yan ang mga kaganapan dito sa drug bust sa Republiq." "Balikan po natin ang mga kaganapan diyan sa hearing ng hiwalayang Kris at James." Ang tamang kahulugan ng kaganapan ay fullness, fulfillment, o pagkakumpleto. "Kaganapan ng kanyang pagkababae ang pagbubuntis."
 

ASPETO - "Salitang siyokoy" ang tawag dito ni Almario, dahil hindi siya Kastila, hindi rin Tagalog. Diyosko, laging ginagamit 'to ng mga komentarista.  Hinding-hindi mo makikita ang salitang "aspeto" sa kahit anong diksyonaryong Tagalog. May "aspecto" sa EspaƱol; sa Ingles naman, "aspect." Paano ba nauso ang "aspeto?" Kasi daw, dahil merong "respeto," "obheto," "suheto," sa Kastila, kala ng marami, lusot na ang "aspeto." Isampal man sa mataba mong mukha ang page 62 ng New Vicassan's Dictionary eh wala ka pa ring makikitang "aspeto." Sabi ni Almario, Ang tama: "aspekto." Tandaan! Amen? Amen.

Ikumpara natin ang ating kalagayan sa mga taga-Brazil, na para sa kanila, ang hindi wastong pagsasalita ng wikang Portuges ay isang palatandaan ng kakulangan ng pinag-aralan. Kaya nag-tatag ang kanilang pamahalaan ng mga "hotline" na kung saan dito ma-aaring makakakuha ng wastong impormasyon tungkol sa kanilang wika. Tayong mga Pinoy naman, pinagtatawan natin si Erap (atbp) dahil hindi sya marunong mag-Ingles at Tagalog lamang ang kanyang alam na wika.  

Ang kabuuan po ng "This is a Crazy Planets" ay nakuha ko dito.
Yung balita naman tungkol sa mga taga-Brazil, dito

No comments: