Huwaw, 3 blog posts sa araw na ito at 11:30 am pa lang!
Mula kay sa "This is a Crazy Planets" ni Lourd de Veyra, "galangin niyo naman nang konti ang wikang bumubuhay sa inyo"... oo nga naman, kahit konti man lamang. Eh bakit nga ba? Dahil daw ang mga taga-media mismo ang kumakandidato sa hindi wastong pag-gamit ng wikang Tagalog.
Ayon kay Lourd:
KAGANAPAN - Kasalanan daw 'to ni Joe Taruc at ng mga taga-DZRH. Ginagamit nila ang "kaganapan" kung ang ibig sabihin ay "pangyayari" o kaya, nagaganap. I.e. "At 'yan ang mga kaganapan dito sa drug bust sa Republiq." "Balikan po natin ang mga kaganapan diyan sa hearing ng hiwalayang Kris at James." Ang tamang kahulugan ng kaganapan ay fullness, fulfillment, o pagkakumpleto. "Kaganapan ng kanyang pagkababae ang pagbubuntis."
ASPETO - "Salitang siyokoy" ang tawag dito ni Almario, dahil hindi siya Kastila, hindi rin Tagalog. Diyosko, laging ginagamit 'to ng mga komentarista. Hinding-hindi mo makikita ang salitang "aspeto" sa kahit anong diksyonaryong Tagalog. May "aspecto" sa EspaƱol; sa Ingles naman, "aspect." Paano ba nauso ang "aspeto?" Kasi daw, dahil merong "respeto," "obheto," "suheto," sa Kastila, kala ng marami, lusot na ang "aspeto." Isampal man sa mataba mong mukha ang page 62 ng New Vicassan's Dictionary eh wala ka pa ring makikitang "aspeto." Sabi ni Almario, Ang tama: "aspekto." Tandaan! Amen? Amen.
Ikumpara natin ang ating kalagayan sa mga taga-Brazil, na para sa kanila, ang hindi wastong pagsasalita ng wikang Portuges ay isang palatandaan ng kakulangan ng pinag-aralan. Kaya nag-tatag ang kanilang pamahalaan ng mga "hotline" na kung saan dito ma-aaring makakakuha ng wastong impormasyon tungkol sa kanilang wika. Tayong mga Pinoy naman, pinagtatawan natin si Erap (atbp) dahil hindi sya marunong mag-Ingles at Tagalog lamang ang kanyang alam na wika.
Ang kabuuan po ng "This is a Crazy Planets" ay nakuha ko dito.
Yung balita naman tungkol sa mga taga-Brazil, dito.
Wednesday, August 18, 2010
May bagong silang... may bagong PISO!
Sa mga ka-edad kong tanderkats... na-aalala pa ba ninyo ito at ang "Bagong Lipunan" Piso?
Bagong Lipunan
May bagong silang, may bago nang buhay,
Bagong bansa, bagong galaw,
Sa Bagong Lipunan!
Magbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad,
At ating itanghal, Bagong lipunan!
- Felipe Padilla De Leon, 1974
Ayon sa balita, magbabago raw ang lahat ng pera ng Pilipinas, ngayong Disyembre. Ngunit ang nakapagtataka raw ay bakit sinisikreto ng Bangko Sentral ang isang napaka-laking pagbabago na ito?
Isang kasagutan ng BSP ay para daw maiwasan ang pag-counterfeit ng ating Piso... BWAHAHAHA! Potah, eh sinong sira-ulo ang gagawa nito?
Basahin ang buong balita ditowz PoH. jejejeje....

"ang hindi magmahal sa sariling wika..."
Pagkatapos ng almusal, isang pabungad na balita tungkol sa paggamit ng wikang Ingles sa UST. Magsisimula na raw doon yung "English Proficiency Campaign" at ito ay sinalubong ng protesta mula sa mga mag-aaral, lalong lalo na sa Arts and Letters Student Council (ABSC).
Ayon sa ABSC:
“Maganda ang maging mahusay sa pagsasalita gamit ang wikang banyaga. Ang hindi tama ay ang pagiging mahusay na sa paggamit ng wikang banyaga habang hindi pa mahusay sa paggamit ng sariling wika, at kapag sinabing mahusay, ang ibig sabihin nito ay nagagawa na ng mga Pilipinong mag-aaral ng Pakultad ng Sining at Panitik na gamitin ang wikang Filipino sa intelektuwal na pamamaraan sa pagsulat, at sa kahit na anong diskurso o pakikipagtalastasan.”
Hmmm, paano na kaya kapag nagsimula na rin yung pagtuturo muli ng wikang Espanyol sa mga paaralan? Pasang-awa ang lahat ng grado ko sa Spanish, kumukopya lang ako ng sagot sa mga kabarkada ko tuwing may test. Sa tingin ko ganito rin ang kararatnan ng karamihan ng mag-aaral ngayon. Eh higit na mas nakakalibang ang wika ng Jejemon at Bekimon keysa sa tener, tengo, tenemos, chuva-chenes chever!
Siguradong nagka-tumba-tumbalelong si Gat. Jose Rizal ngayon sa kanyang libingan dahil sa mga balitang ito. Siya na rin ang nagsabing "ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa kanyang paroroonan." Talagang nasa DNA na natin ang pagkakaroon ng "short-term memory".

Tuesday, August 17, 2010
Saturday, August 14, 2010
Thursday, August 12, 2010
Friday, August 06, 2010
kahit papaano...
Ibinagsak ng Estados Unidos ang kauna-unahang atomic bomb sa Hiroshima noong August 6, 1945, at pagkatapos ng tatlong araw, noong August 9 sa Nagasaki naman.
Kung may pagkakataon kayong makabisita sa Hiroshima Peace Memorial Museum, siguradong ma-aantig ang inyong damdamin at lalong lalawak ang inyong pananaw sa mga pangyayaring ito. Doon ko nakita ang mga anino ng mga biktima na naka-imprint sa pader o sa konkretong hagdan. Isipin na lang natin kung paano nangyari iyon at kung ano ang nangyari sa mismong biktima.
Ngayong taon na ito, kahit papaano, dumalo ang mga gov't representatives ng US at UK sa 2010 Peace Ceremony sa Hiroshima. Kahit kailan kasi hindi ito nangyari, ngayon lang. Kahit papaano, may pag-asa pa talaga na unti-unting tuluyang mawala ang lahat ng nuclear arms sa buong mundo. Sa init na ito, marami ang dumalo at tumayo sa ilalim ng araw, mga anino nila magkakatabi at sama-sama para sa kapayapaan ng buong mundo.

Thursday, August 05, 2010
napurnada ang suicide ko
Nakaka-inis naman, kung kelan kong feel na mag-suicide as in, "NOW NA!", napurnada pa!
I guess I have to live another day...
I guess I have to live another day...
Wednesday, August 04, 2010
Sayaw tayo!
Nabasa ko sa Guardian ang tungkol sa nakaka-indak na tugtugin na galing sa South Africa, ang Shangaan electro.
Sa sobrang aliw ko, bumili na ako ng CD, sarap patugtugin ito sa umaga...
Sa sobrang aliw ko, bumili na ako ng CD, sarap patugtugin ito sa umaga...
Subscribe to:
Posts (Atom)