Wow, kasama pala sa Cannes competiton ang "Serbis" ni Brilliante Mendoza! Ang galing naman! Napanood ko yung isang obra nya dito sa Tokyo LGBT film Festival, 2 years ago, yung "Masahista", at sana mapanood ko pa yung iba nyang mga pelikula.
Sabi nga ng kaibigan ko na expat sa Singapore, this is also Singapore's first time to be featured big time at Cannes and they are so proud of it but they are more in awe of the Philippines dahil matagal na raw tayong laging kasama sa mga ganitong international festivals, lalo na sa Cannes.
Oo nga, pero sa tingin ko "Cannes" is not even a household word sa atin, kung ikukumpara mo sa "Oscars". Buti na lang may mga cinemas na ngayon sa Manila that feature international and indie films na walang bahid ng Hollywood at marami ring mga Pinoy films na mataaas ang kalidad. Sayang nga at na-miss ko ang mga karamihan nito, pero pag-bisita ko sa Pinas, may listahan na ako ng must-have na Pinoy dvds.
No comments:
Post a Comment