Tag-init na may halong ulan, maalinsangan, tiyak na may mga lamok sa mga sulok-sulok dyan! Uso pa rin dito ang pag-gamit ng katol at mayroon pa ngang CUTE na lalagyan ito hugis baboy sya at ilalagay mo yung sinindihang katol sa loob.
Bakit nga ba "katol" ang tawag nito sa Tagalog? Di ko alam kung tumpak ang sagot ko pero, sa tingin ko hango ito sa Nihongo. Ang tawag ng mga Hapon sa "katol" ay...Katori Senkou! Kunbaga ay napud-pod na lang ito at umigsi (kaya,"Katol") sa kakagamit, dahil talaga namang sangdamak-mak ang lamok sa atin di ba?
Bukod dito, ayon sa aking pardner, ang mga Hapon pala ang nag imbento ng Katol, siyempre di ako naniwala agad, kelangan kong i-Google muna ito to verify (babaw ng research methods ko, sensya na). Heto ang isang link tungkol sa "Katol".
No comments:
Post a Comment