Heto nanaman tayo, after 2006 Germany! Iyak ako nang matalo ang Japan via penalty shoot-out. Heart-breaking, indeed. Bago sila maka-abot sa best 16, lahat ng matches nila up to the World Cup matches, either draw or talo sila! Then Japan beat Cameroon and Denmark to reach the best 16 for the first time!
Kaya heto kami, tulog mode from 9pm, gising at 3am the next day for the Japan vs Paraguay match. It was a heartbreaker, pero kudos sa Samurai Blue, hanep... ang LAYO ng narating nila for an Asian team! (same goes for North and South Korea!)
Tapos na ang NED vs BRA match ngayon... nanalo ang NED, 2-1. Sana magkaroon ng interes ang Pinas sa football, kasi sa tingin ko wala tayong pag-asa sa basketball, talaga. Ilusyon at porma lang ang lahat.
Bukod dito, I also support women's softball, sa tingin ko malaki ang chance natin na manalo tayo sa international matches.
O sya, Uruguay vs Ghana naman mam'ya... sa'an kayo... ako, GHANA!
No comments:
Post a Comment