Ibinagsak ng Estados Unidos ang kauna-unahang atomic bomb sa Hiroshima noong August 6, 1945, at pagkatapos ng tatlong araw, noong August 9 sa Nagasaki naman.
Kung may pagkakataon kayong makabisita sa Hiroshima Peace Memorial Museum, siguradong ma-aantig ang inyong damdamin at lalong lalawak ang inyong pananaw sa mga pangyayaring ito. Doon ko nakita ang mga anino ng mga biktima na naka-imprint sa pader o sa konkretong hagdan. Isipin na lang natin kung paano nangyari iyon at kung ano ang nangyari sa mismong biktima.
Ngayong taon na ito, kahit papaano, dumalo ang mga gov't representatives ng US at UK sa 2010 Peace Ceremony sa Hiroshima. Kahit kailan kasi hindi ito nangyari, ngayon lang. Kahit papaano, may pag-asa pa talaga na unti-unting tuluyang mawala ang lahat ng nuclear arms sa buong mundo. Sa init na ito, marami ang dumalo at tumayo sa ilalim ng araw, mga anino nila magkakatabi at sama-sama para sa kapayapaan ng buong mundo.
No comments:
Post a Comment