Monday, November 13, 2006

PS3 madness!



Blogging from sick bay here, the reason? Noong Sabado kasi pumunta ako sa Philippine Fiesta, ang kaso eh UMULAN ba naman buong araw at ang lakas pa ng hangin sa gabi! Late fall na po dito, kaya ang lamig pa!

On my way to Hibiya Park at 11am, napadaan ako sa Bic Camera, isang malaking electronics/digital/ hardware/software shop at napansin ko yung pila ng mga "otaku"-looking guys. Para po silang lahat ay naglalaway... dahil debut pala ng PS3!
Oy my gass! Eh kung ganun kahaba ang linya, ibig sabihin eh nag kamping siguro ang karamihan sa kanila - 95% lalaki, geeky looking, in their mid 20's to late 30's, mind you, HOT ITEM na ang otaku dito ha dahil napag-alaman ng mga babae na wala silang ka-agaw kungdi ang mga babae ng mga otaku sa digital universe!Bukod dun, maraming pera yung mga geeks dahil usually they get the top techie jobs! hehehe, sabi nga nung isang geek na prend op a prend, noong High School at College, di raw sya pansin ng mga babae dahil nga nerdy yung dating nya, ang mga sikat ay yung mga Sports Jocks... ngayong "grown-up" na sila, yung mga Jocks eh they just hold mediocre positions sa office, pero itong si otaku eh, may PhD sa digital contents, nag tatrabaho pa sa isang malaking animation company as a consultant, at... professor pa! O di ba?!

Walang biro, may movie nga dito DENSHA OTOKO, based on a true-to-life story ha!

Kaya dapat yung mga nag huhunting ng mga otaku-BF... kapag may ganitong debut ng bagong gadget, soft o hardware eh go na... baka ma-meet na nila ang kanilang GEEK OF THEIR DREAMS!

2 comments:

Anonymous said...

"PSP3" o "PS3"? :D

Ponpokopon said...

salamat, PS pala, hindi yung portable