Monday, September 15, 2008

Malapit na ang HS Reunion Namin!

Sa December na ang aming 25th year Silver Jubilee, mga tanderkats na kaming lahat, at ang iba may mga tsikitings o kaya naman mga dalaga't binata na, o kaya may mga apo na rin sila! Haaay... all the merrier! Bukod dito, makikita rin namin ang aming mga guro, yung mga "terror" dati, siguro ma-teterrorize ko naman ngayon...

It was great to see childhood friends and classmates again in person at tsaka via the internet! Noong unang nagbukas ang Ygroup namin, halos araw-araw, mga 100 emails yata ang pumapasok sa inbox ko! May mga iba, sumurrender na dahil napapabayaan ang mga anak at pamilya, bwahahahaha! Ang saya naman kasi ano, yung mag-kita kita after all these years!

25 years na hindi nag-kikita ang iba sa amin, so far mga 77 ang naka-talang bilang ng members ng aming Ygroup, kung saang nagsimulang mag-bonding muli ang mga barkadas, friends, fiends, at siyempre ang mga mag-ON dati. (parang ang nostalgic ng "magka-ON"... ano na ba ang tawag dito ngayon?)

A friend of mine quipped, "hmm, mag-karoon kaya ng brokeback moments sa reunion natin?"
Excited ako sa totoo lang na makitang muli ang mga crushes ko noon, as for the brokeback moment, kung meron, fleeting or whatelse, why not?


2 comments:

Anonymous said...

Hey, hey, hey! Are you attending the reunion? You got to! Ang saya no'n!!! We had our 25th in 2004 (syet, ang tanda ko na!) I wasn't able to attend it (you know why).
So, if you're coming, what dates will you be in our lovely islands? Will we get to see you? We're booked from December 12 to January 2. Mommy's party is on the 20th.
Let me know!
'te jingle

Ponpokopon said...

Gusto ko talaga pero malabo pa sa ngayon ang December trip ko. Oo naman talgang exciting itong reunion na ito. At least naka pre-jubilee reunion na ako, where I've met dear barkadas and classmates. Yun pa lang ang saya-saya na, sobra.

Kapag good to go na ako, I'll definitely let you know. Have a great time sa Pinas, 'te!