Ito ang aklat na binabasa ko ngayon, The Shock Doctrine by Naomi Klein. Nababanggit kasi ito ni John Cusack sa kanyang blogs at dali-dali ko naman itong igi-noogle (paano ba gawing Tagalog ang "googled"?) at ako ay naging interesado sa nilalaman ng aklat na ito. Bihira akong mag-basa ng mga aklat na ganito ang tema dahil madalas di ko maintindihan. Pero ito, dahil sa mga pangyayari na nagaganap ngayon, mas madaling maka-relate sa nilalaman ng aklat.
E ano nga ba ang nilalaman nito? Ito ay tungkol sa "Disaster Capitalism". Ayon kay Milton Friedman, "only a crisis --- actual or perceived --- produces real change. When that crisis occurs, the actions that are taken depend on the ideas lying around..."
Nakaka-kilabot basahin yung Introduction, ngunit mas-nakakahigit pa yung Chapter 1. Grabe, tungkol ito sa "torture" at yung CIA project ("to erase and remake the human mind") kung saan na-develop yung nga existing torture tactics nila na ngayon at ginagamit sa mga "enemy combatants".
Ito pa ang karugtong ng sinabi ni Friedman --- "That I believe, is our basic function: to develop alternatives to existing policies, to keep them alive and available until the politically impossible becomes politically inevitable. "
Tatakbo kaya si Gloria sa 2010? Mananalo ba si McCain sa eleksyon tapos ma-titigok ito at ang sasampang Pangulo ay si Palin? Magiging kauna-unahang African-American President ba si Obama? Tatakbo bang Presidente si Bro. Mike at mananalo ba ito? Magiging manager nga ba ni Charice P si Oprah? Pare-pareho tayo siguro ng mga kuro-kuro kapag nasa kubeta, barberya o tagayan...
Tiyak na puputi ang uwak, iitim ang tagak.
No comments:
Post a Comment