Tuesday, September 30, 2008

Honga naman...

I am nearly halfway through "The Shock Doctrine" and the book just gets more interesting. Ika nga ng Clinton administration, "it's the economy, stupid!" Hooonga naman....

Kahit sino pa ang manalo sa mga presidential election neo-con, neo-liberal chuvaness na yan it all boils down to the economy. Halimbawa na lang, sa ating bansa, hangga't na pabor sa mga multi-nationals at sa bansang USA ang economic principles ng incumbent administration, mananatili sila sa puwesto, kahit maghalo na ang balat sa tinalupan.

In short, talo ka kapag pabor ka sa islogan na "people before profit". The once stable economies of Latin American countries like Chile, Brazil, Argentina and Bolivia were all brutally torn down and crushed in one sweep by dictators with the full sponsorship of the USA --- na nag-padala ng mga economists nila doon (tulad ni Friedman) to literally write down and forcefully implement an economic model that will favor US multi-national companies.

Itong nangyayari sa US economy ngayon, dahil sa aklat na ito, ay napa-isip ako, ito kaya ay intentional?

Wednesday, September 24, 2008

Yun pala ang tawag dun...

Ito ang aklat na binabasa ko ngayon, The Shock Doctrine by Naomi Klein. Nababanggit kasi ito ni John Cusack sa kanyang blogs at dali-dali ko naman itong igi-noogle (paano ba gawing Tagalog ang "googled"?) at ako ay naging interesado sa nilalaman ng aklat na ito. Bihira akong mag-basa ng mga aklat na ganito ang tema dahil madalas di ko maintindihan. Pero ito, dahil sa mga pangyayari na nagaganap ngayon, mas madaling maka-relate sa nilalaman ng aklat.

E ano nga ba ang nilalaman nito? Ito ay tungkol sa "Disaster Capitalism". Ayon kay Milton Friedman, "only a crisis --- actual or perceived --- produces real change. When that crisis occurs, the actions that are taken depend on the ideas lying around..."

Nakaka-kilabot basahin yung Introduction, ngunit mas-nakakahigit pa yung Chapter 1. Grabe, tungkol ito sa "torture" at yung CIA project ("to erase and remake the human mind") kung saan na-develop yung nga existing torture tactics nila na ngayon at ginagamit sa mga "enemy combatants".

Ito pa ang karugtong ng sinabi ni Friedman --- "That I believe, is our basic function: to develop alternatives to existing policies, to keep them alive and available until the politically impossible becomes politically inevitable. "

Tatakbo kaya si Gloria sa 2010? Mananalo ba si McCain sa eleksyon tapos ma-titigok ito at ang sasampang Pangulo ay si Palin? Magiging kauna-unahang African-American President ba si Obama? Tatakbo bang Presidente si Bro. Mike at mananalo ba ito? Magiging manager nga ba ni Charice P si Oprah? Pare-pareho tayo siguro ng mga kuro-kuro kapag nasa kubeta, barberya o tagayan...

Tiyak na puputi ang uwak, iitim ang tagak.

Saturday, September 20, 2008

HS reunion pa rin...

Sayang at tiyak na hindi ako makakadalo sa Silver Tanderkats Jubilee namin sa Disyembre. I am inspired by what my batchmates are currently doing in preparation for a bonggacious event. May presentation na sila para sa theme, which was already approved by the Alumni Committee, at nararafat lang ah! Yung mga nasa US naman ay may grand reunion sa Las Vegas!

Patuloy pa rin sila sa fund-raising activities at soul-searching on the side (may retreat chuvaness sila ngayon). Sino ba naman ang hindi maiingit... it must be just like the old days talaga. Miss ko na kayooooo!

Friday, September 19, 2008

Mapapangisi kahit si Lucifer dito!

Jesus is My Friend - Sonseed

kapag malungkot ka, panoorin mo lang ito, kapatid
" Jesus came and found me and touched me down inside..."

pati na rin yung comments sa youtube XD --- (((ngiting pitbull)))

Thursday, September 18, 2008

Anak ng... ano yan!

Seen at Wired, the "Epidermits", is a robotic toy that's covered in a human-like tissue organism. Aba, ayon sa blog eh "They require minimal maintenance, can be stored in state of forced hibernation in standard refrigerators, and are customizable with different body, skin and hair selections and through tanning, tattooing and piercing."

Unang pumasok sa isip ko ay, hmm ma-aaring gamitin ang konseptong ito para sa mga sex toys o kaya naman sa prosthetics... or was it the other way around? Chicken or the egg?


May nag comment sa blog entry ng "Epidermits" (parang kili-kili ang dating nito..) na mayroon pang mas shocking na bioengineered toy. At sinundan ko naman ang link nya, and behold!
Totoo ba ito? Ayon sa website nila... "Genpets are not toys or robots. They are living, breathing genetic animals."

Imagine either one of this as your Christmas present.

©Genpets

Monday, September 15, 2008

Malapit na ang HS Reunion Namin!

Sa December na ang aming 25th year Silver Jubilee, mga tanderkats na kaming lahat, at ang iba may mga tsikitings o kaya naman mga dalaga't binata na, o kaya may mga apo na rin sila! Haaay... all the merrier! Bukod dito, makikita rin namin ang aming mga guro, yung mga "terror" dati, siguro ma-teterrorize ko naman ngayon...

It was great to see childhood friends and classmates again in person at tsaka via the internet! Noong unang nagbukas ang Ygroup namin, halos araw-araw, mga 100 emails yata ang pumapasok sa inbox ko! May mga iba, sumurrender na dahil napapabayaan ang mga anak at pamilya, bwahahahaha! Ang saya naman kasi ano, yung mag-kita kita after all these years!

25 years na hindi nag-kikita ang iba sa amin, so far mga 77 ang naka-talang bilang ng members ng aming Ygroup, kung saang nagsimulang mag-bonding muli ang mga barkadas, friends, fiends, at siyempre ang mga mag-ON dati. (parang ang nostalgic ng "magka-ON"... ano na ba ang tawag dito ngayon?)

A friend of mine quipped, "hmm, mag-karoon kaya ng brokeback moments sa reunion natin?"
Excited ako sa totoo lang na makitang muli ang mga crushes ko noon, as for the brokeback moment, kung meron, fleeting or whatelse, why not?


Paalam sa Tag-Init

Tapos na ang mag araw ng pawisan na singit at kuyukot, at iba't ibang level at uri ng "putok" na ma-aamoy sa tren. Kaninang umaga, bandang 7am ay nagising ako sa tunog ng 2 piraso ng kahoy na pinag-kakatok, kasunod ng malalim na dagung-dong ng tambol, "klakk-klakk, boom-boom, klakk-klakk-klakk, boom-boom-boom". Ito yung senyales na nagtatawag ng mga taga-buhat ng "mikoshi", o "portable shrine". Parang sa atin rin kapag may kapistahan, yun bang pinaglalagyan ng mga santo, ito nga lang walang santong nakapatong pero binubuhat ito ng ilang katao na may kasabay sa mga pampaganang "cheers".

Medyo presko na ang ihip ng hangin, unti-unting humahaba ang gabi at mababa na ang sikat ng araw at paglitaw ng mga ulap. "Ber" nanaman - tiyak marami sa atin ang mag-sasabi nito, flashforward sa "Pasko nanaman..."

Paalam sa "ramune" --- matamis na soda sa siguro eh noong "peacetime" pa ito naging summer drink ng mga bata dito.


Hanggang sa susunod na "hanabi taikai" - "fireworks display, muli! Itong taon na ito, lubos na nag-enjoy kaming manood mula sa best seats in town, sa condo balcony ng kaibigan namin, overlooking Tokyo Bay and the Rainbow Bridge!


Mga summer concerts ng Pinoy community, tulad ng "After the Storm", para na mga nasalanta ng bagyong Frank. Ito ang Lahing Kayumanggi.

Ito naman ang Tampipi.
Tampipi with Rain (cutie!) on vocals.

And another band, Alab Ng Musika.


Iba ang dating ng isang malamig na mug ng beer sa tag-init... sa susunod muli!