Imbes na Tabasco, dapat pala suka't bawang ang sawsawan ko, kaso naman may pasok ako ano!
Kahit mag-sipilyo't mumog ako, amoy-bawang pa rin ang hininga ko. Mantakin nyo ba naman ang longganisang Lucban na siksik sa garlic flava! Palugit na nga't plain rice ito, wala na akong oras pang mag fried garlic rice!
Before my longganisa phase, dahil sa sobrang miss ko ang tapa, I made it myself! Madali lang naman pala. Just marinate the tapa in the basic suka, bawang, toyo, paminta at bay leaf (plus worcestershire sauce) and let the beef strips dry out in the sun for several days. Food orgasm ako sa unang subo ng tapsilog ko!
Next in line would be my homo-made tocino. Ilang taon na rin akong di nakaka-kain nito, tulad na rin ng tapa't longganisa. Yung tuyo kasi di pwede dahil ma-amoy syang lutuin -- sa Manila na lang ako kakain nito, kasama na rin yung daing na bangus at danggit!
No comments:
Post a Comment