Monday, October 06, 2008

tsk...tsk...tsk...

Napansin ko lang, kahit saang lupalop, walang paltos kong maririnig sa kapuwa kong Pinoy ang parinig nilang "tibo yan" o kaya naman eh "lesbee-yan". Sa Manila, talgang parang kasama na ito sa soundscape, pero di ko sila ma-sisi... ikaw na ang maging kalbo.

Dito rin, na-alala ko, kumakain kami ni C ng hapunan sa isang Chinese restaurant nang may isang grupo ng 3 lalaking Hapon at 2 Pinay na umupong isang mesa ang pagitan sa harapan namin. Napansin namin sila dahil narinig namin yung mga babaeng mag-Tagalog.

At kunwari pa nilang pabulong na sinasabi sa kanilang mga kasamang lalaki na kami raw ay mga "lesbee-yan". (Siguro ngayon lang sila nakakita ng 2, magkaibang lahi pa!) Natawa na lang kami dahil hindi talaga ma-gets ng mga lalaki yung sinasabi nila, ang the girls made it a point that we could hear everything (to our amusement). They had to explain to the middle-aged guys what they were blabbering about --- and eventually, the guys just shrugged them off! Ni hindi nga kami tinignan! (inisnab kami ng mga oyajiii!, hahaha!)

Sabi ni C, usually bale wala itong issue na ito sa mga Japanese guys, lalo na yung mga middle-aged oyajis. What matters to them are the young girls' Ts and As. We were already chuckling to ourselves at this point, to let them know that yes, we heard everything... and as we stood up, we also made sure they heard... "well at least we're not going to bed with that!"
tsk...tsk...tsk...

No comments: