Tuesday, February 06, 2007

"A record low of two people were killed in gun crime in 2006"

Totoo nga ba ito? Saan pa mangyayari ito kungdi sa Japan! At ito ay ayon daw sa National Police Agency.

Kagabi, napanood ko sa news, some gang-member was shot to death while in his car somewhere in a swanky town in Tokyo. This is the article at INQ7.

I wonder how many people were killed in gun crime sa Maynila in 2006? Hindi ko na tatanungin yung overall stats dahil patuloy na naghahabulang aso't-pusa ang mga militar, private army, crooks at insurgents sa ating bansa. Isali na rin natin yung mga naghahari-hari-an diyan na may mga baril at trigger-happy pa.

Dito, napansin ko sa isang pagkakataon, may pumutok yatang gulong ng kotse sa daan, so unang impulse ko...YUMUKO! Pero karamihan ng nasa paligid ko, nakatayo, palingon-lingon at sabay na nagtatanong..."ano yun?", "saan yun (ingay) nanggaling?" Nagmistulang weirdo ako, anuvahyan!

No comments: