Thursday, June 07, 2007

Sinong artista ang kamukamo? - bilis check na!

Nabasa ko sa dyaryo kanina...
Pinagkakaguluhan ng 15 milyong Hapon, ang "Kaochecki" (Face Check)! At bakit? Dahil pwede mong malaman kung SINONG artista ang kamukha mo!

Una, kodakan ang sarili sa pamamagitan ng digital camera, tapos ipadala sa male@kaochecki.jp kung ikaw ay lalaki, at kung babae ka naman, female@kaochecki.jp at mayroon ring mix@kaochecki.jp. O devah?!

Tapos may matatanggap kang email na may link sa website kung saan nandun yung 3 kamukha mong celebrity. Ito ay ginamitan ng face-recognition software kaya walang personalan, robot lang.

Madali, teyk a piktyur na, now na!

No comments: