Ang summer sa Tokyo parang nasa Maynila ka o sa Bangkok, mainit, malagkit at maraming kili-kiling nag-puputukan sa paligid ko kasama na rin ako dun pag nakalimutan kong mag deodorant... happy new yir, nyehehehehe!
Napabili si partner ng isang bote ng shikuwasa concentrate... titigang mabuti bago inumin... oo walang biro dahil sa presyo nito. Isang bote ng isang libong kalamansing piniga ay nagkakahalaga naaaang... tsarannn... ¥1200! Sa palitan ngayon, mga 450 pesoses po ito, mura na nga ito dahil may mga 500ml na bote x2 ang presyo.
Sa ganitong halaga ng kalamansi juice, eh siguradong biglang-yaman ang magiging exporter na Pinoy! Yun nga lang, kung papayagan kang mag export ng kalamansi juice sa Japan. At, kung pwede mo rin itong ibenta sa presyong local. Dito kasi pag local, mas mahal lagi sa imported. Katulad ng UNAGI, a summer delicacy, pag galing China, mura. Yung unagi-don, mga 750Y (290P) yan pag Chinese unagi ang toppping. Pero doble kapag local. Considering the food scandals sa China, magwawagi ang local na unagi ngayong summer.
No comments:
Post a Comment